LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Nov. 21, 2017

Ilang biyahe ang kanselado ngayong araw mula at pabalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) ito ay dahil sa sama ng panahon na nararanasan ngayong sa mga lalawigan sa Northern Luzon.

Kanselado na ang flights 5J 506 at 507 Manila – Tuguegarao – Manila ng Cebu Pacific.

Gayundin ang flights 2P 2084 at 2085 Manila – Basco – Manila ng PAL Express.

Pinapayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

 

 

 

 

 

 

Read more...