WATCH: Motorcycle rider, patay sa aksidente sa Katipunan, Quezon City

Kuha ni Justinne Punsalang

Patay ang isang motorcycle rider matapos na maaksidente habang binabagtas ang kahabaan ng Katipunan Avenue, parang Old Balara sa Quezon City.

Sinubukan pang isugod sa Quirino Memorial Medical Center ang biktima na kinilalang si James Francis Aragan, 27-anyos ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Kritikal naman ang kundisyon at kasalukuyan pang inoobserbahan ang angkas ni Aragan na si Joshia Marie Cinco.

Samantala, sa Quezon Avenue, binangga naman ng isang Uber car ang service vehicle ng Maynilad.

Wasak ang unahang bahagi ng sasakyan ng Maynilad habang nabugbog naman sa lakas ng impact ng pagbangga ang mga pasahero ng Uber.

Narito ang report ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

Read more...