QC Rep. Belmonte, itinalagang caretaker ng Batanes

 

Itinalaga ng Kamara si Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr. bilang caretaker ng Batanes.

Ito’y matapos pumanaw ang kanilang kongresista na si Rep. Henedina Abad noong nakaraang buwan.

Si Majority Leader Rodolfo Farinas ang nanguna sa mosyon sa sesyon kahapon, na hindi naman pinalagan ng ninuman mula sa iba pang mga miyembro.

Dahil dito, inaprubahan na ni Deputy Speaker Fredenil Castro ang nasabing mosyon.

Pumanaw ang kongresista na misis ni dating Budget Sec. Butch Abad noong October 8.

Nanilbihan siyang kinatawan ng Batanes mula 2004 hanggang 2007, at 2010 hanggang sa kaniyang pagpanaw.

Read more...