Ayon kay Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. ng 202nd Infantry Brigade, naganap ang bakbakan sa Barangay Utod, Lunes ng umaga.
Nagsimula ang engkwentro nang madiskubre ng mga militar ang pagka-kampo ng mga rebelde sa lugar, na pawang kabilang din sa mga naging target ng kanilang operasyon sa Batangas City noong Setyembre.
Nakataas na aniya ang alerto ng mga pwersa ng gobyerno bago pa man ang pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Ito’y matapos nilang marekober sa nauna nilang mas maigting na operasyon ang mga dokumento at mga plano ng pag-atake o opensiba sa rehiyon.
Samantala, sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasugatan sa panig ng mga sundalo bunsod ng nasabing bakbakan.