Kayat paalala ni Atty. Adiel Dan Fajardo, national president ng Integrated Bar of the Philippines, sa mga kapwa abogado na sa pagtupad sa kanilang tungkulin ang ay palaging tandaan ang nakapaloob sa kanilang body of ethics at code of professional responsibility.
Aniya nagpatawag sila ng lawyers’ summit para matalakay ang pangangailangan ng mga biktima ng war on drugs na magkaroon ng mga abogado na mangangalaga at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan.
Ayon naman kay Human Rights Comm. Roberto Cadiz malaking tulong ang hakbang na ito ng IBP para bigyan katarungan ang mga biktima ng anti-drug campaign.
Sinabi ni Cadiz na ngayon ay napakahalaga na maitaguyod ang rule of law hindi lang sa mga sinasabing extra-judicial killings kundi dahil na rin sa pag-atake sa mga institusyon, katulad ng Korte Suprema, Office of the Ombudsman at CHR.