Ayon sa pamilya ng Czech tennis player, mapayapa ang paglisan sa mundo ni Novotna.
Noong 1998 napanalunan ni Novotna ang Wimbledon matapos niyang talunin ang pambato ng France na si Nathalie Tauziat.
Matatandaang bago niya makamit ang tagumpay ay dalawang beses pa muna siyang natalo sa naturang torneo.
Una noong 1993 laban kay Steffi Graf, at sumunod naman noong 1997 laban kay Martina Hingis.
Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang iba pang mga tennis players sa naiwang pamilya ni Novotna.
Ilan dito ay sina Jo Durie na limang beses tinalo ni Novotna, Andrew Castle ng Britain, at Pam Shriver.
Ayon sa mga ito, masayahin, palabiro, at magaling na atleta si Novotna.
Anila, isang malaking kawalan para sa industriya ng tennis ang pagkamatay ng naturang tennis player.