‘Revgov’ ng pangulo, hindi dapat seryosohin-Cayetano

 

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi dapat seryosohin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ito ng revolutionary government sakaling may magtangka na patalsikin siya sa puwesto.

Giit ni Cayetano na sa mga dinaluhan niyang pagpapupulong na pinangunahan ng Pangulo ay walang natalakay ukol sa plano.

Aniya mahilig talaga ang Punong Ehekutibo sa mga ‘figures of speech’ sa pagpapahayag ng kanyang saloobin.

Mismong si Cayetano na ang nagsabi na ang planong revolutionary government ay malayo sa katotohanan.

Una nang nagpahayag ng pagtutol sa naturang pahayag ang Defense Department at AFP.

Read more...