Tinupok ng apoy ang isang kotse na may diplomatic license plate sa northbound lane ng EDSA-Buendia, Makati City, Lunes ng gabi.
Hindi na mapapakinabangan ang sasakyan matapos halos ubusin ng apoy dakong alas 9:30 ng gabi.
Rumesponde naman ang mga kagawad ng pamatay sunog upang apulain ang insidente.
Wala namang nasaktan sa sunog bagamat nagdulot ito ng matinding pagbibigat ng daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA-Buendia area.
Lumilitaw rin na nakarehistro sa Indonesian embassy ang nasunog na kotse batay sa diplomatic plate nito.
READ NEXT
20% student discount sa jeep at bus, gustong palawigin hanggang sa iba pang uri ng transportasyon
MOST READ
LATEST STORIES