Suspek sa Pasig City rape-slay case arestado dahil sa fingerprints

Edwin Bacasmas/PDI

Tiwala ang Pasig City Police Office na malakas ng ebidensiya ang nakuhang fingerprints ng isang truck driver sa cellphone ni Mabel Cama, ang bank employee na sinunog ang bangkay matapos patayin at diumano’y gahasain.

Iniharap na sa inquest prosecutor ang suspek na si Randy Oavenada base sa reklamong rape with homicide.

Ito ay sa kabila ng pag-amin ni NCRPO Director Oscar Albayalde na wala sila kahit isang testigo at iba pang ebidensiya, katulad ng cctv footage para suportahan ang reklamo laban sa truck driver na naunang tumayong testigo sa kaso.

Sinabi naman ni Eastern Police District Director C/Supt. Romulo Sapitula na may fingerprints din si Aavenada sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni cama noong Nobyembre 12.

May nakuha din drug paraphernalia sa tabi ng bangkay at nag-positibo sa drug test ang suspek.

Tumanggi si Oavenada na magbigay ng pahayag, ngunit ayon kay Albayalde nang kausapin niya ito ay sinasabi na may dalawa itong kasama.

Samantala, hindi na hinarap ni Reynaldo Cama, ama ni mabel nang makita niya si oavenada ngunit may pakiusap ito sa suspek na umamin na sa krimen.

Sinabi ni Albayalde na solved na ang kaso, ngunit hindi pa ito sarado dahil may mga persons of interest pa silang hahanapin.

Read more...