Kuntento sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kontra sa ilegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa nakukuhang report ng Malakanyang, epektibo naman ang PDEA sa naturang kampanya.
Ito ay kahit na limitado sa tauhan at pondo ang kagawaran para labanan ang malalang problema sa ilegal na droga.
Sinabi pa ni Roque na sa ngayon patuloy ang PDEA sa pangangalap ng karagdagang impormasyon sa mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga.
“Ang nakukuha naman po namin mga report, epektibo naman po ang PDEA. At ang huling report po na nakarating sa aking tanggapan ay mayroon daw record na pangalap ng pinagbabawal na gamot ang ating PDEA,” ayon kay Roque.
Una nang pinagbawalan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na makisawsaw sa operasyon sa ilegal na droga matapos masangkot sa kontrobersiya ang mga tauhan nito.