Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walong dayuhang terorista ang binabantayan nila ngayon sa Mindanao.
Taliwas ito sa lumabas na ulat na aabot sa 100 na foreign terror suspects ang nasa bansa ngayon.
Batay sa ulat, nasa 100 foreign jihadist ang dumating sa bansa matapos ang matuldukan ang kaguluhan sa Marawi City noong nakaraang buwan.
Ayon kay AFP spokesperson Major General Restituto Padilla, hindi nila ang hawak ang balita tungkol sa isandaang terorista na nasa bansa ngayon.
Hindi aniya nila batid kung saan nanggaling ang nasabing ulat, dahil walo lamang ang mino-monitor nilang foreign terrorist.
Sinabi ni Padilla na ang walong extremists ay mga bomb experts na nakipagkasundo sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sakali naman na mayroong basehan ang naturang report, sinabi ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research na hindi na ito nakapagtataka dahil bago pa man sumiklab ang gulo sa Marawi City, idineklara na ng ISIS bilang ‘new land of Jihad’ ang Pilipinas.