Ilang motorista ang nag-post ng kanilang komento sa twitter at inireklamo ang matinding traffic sa EDSA.
Ayon sa tweet ng isang Gerry Good, sobrang traffic sa EDSA southbound, Lunes ng umaga. Isinisi nito sa pagpapatupad ng “yellow lane” ang matinding traffic.
Si Jam Alvarez naman, sinabing sa kabila ng grabeng traffic sa EDSA ay pinipilit niyang maging maganda ang simula ng linggong ito para sa kaniya.
Ayon naman kay Jean Lander Ago, ito na ang maituturing na “worst Monday traffic ever”.
Ito ay makaraang maipit siya sa matinding traffic bago pa man makasapit sa EDSA.
Maging si Jasmine Valerio ay pinuna ang matinding traffic sa EDSA.
Sa pahayag ng MMDA, sinabing nabawasan ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng “yellow lane”.