WATCH: Mahigpit na pagpapatupad ng “yellow lane” sa EDSA, nakaluwag sa traffic ayon sa MMDA

Kuha ni Jan Escosio

Nakaluwag umano sa daloy ng traffic sa kasagsagan ng rush hour sa EDSA ang pormal at mahigpit na pagpapatupad sa “yellow lane”.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Director for Operations Bong Nebria, kapansin-pansin ang mabilis na daloy ng traffic sa southbound at northbound ng EDSA, Lunes ng umaga kahit pa rush hour.

Sa paghihigpit kasi sa implementasyon ng “yellow lane”, naiwasan ang pagpapapalit-palit ng linya ng mga sasakyan, hindi lang ng mga bus, kundi maging ng mga pribadong sasakyan.

Sa rule ng MMDA, ang “yellow lane” ay ekslusibo lamang para sa mga bus, P2Ps, UVs, AUVs at ambulansya.

Habang ang mga taxi, Grab at Uber ay bawal sa nasabing linya.

Ang mga pribadong sasakyan ay hindi papayang dumaan sa “yellow lane” at papasok lamang sila dito kapag sila ay nasa 100-metro na lang ang layo sa lugar na kailangan nilang kananan.

As of alas 9:00 ng umaga, umabot sa labingsiyam na sasakyan ang nahuli ng MMDA sa bahagi pa lamang ng EDSA-Guadalupe sa Makati dahil sa pagtahak sa “yellow lane”.

Maging ang mga bus na nagbababa sa hindi tamang bababaan hinuli din ng MMDA.

Paalala ng MMDA, tuloy-tuloy na ang paghihigpit sa “yellow lane” at huhulihin lahat ng pribadong sasakyang magbababad sa nasabing linya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...