Judy Ann Santos, buntis

Juday Buntis mula sa Instagram Account ni Ryan A
Screengrab of Ryan Agoncillo’s post on Instagram

Nagdadalang tao sa ikatlong anak nila ni Ryan Agoncillo si Judy Ann Santos.

Mismong ang TV host Actor ang nagkumpirma ng balita sa pamamagitan ng kaniyang Facebook at Instagram Account.

Nag-post si Agoncillo ng ultrasound image ng ipinagbubuntis ni Judy Ann na may hastag na “#kuyanasilucho”.

Ayon kay Agoncillo, si Judy Ann ay siyam na Linggo nang buntis.

Sa ngayon, mayroong dalawang anak ang mag-asawang Ryan at Juday, ang biological son nilang si Lucho at ang adopted daughter na si Yohan.

Kinumpirma din ng manager ni Ryan na si Noel Ferrer ang nasabing balita./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...