May bago na namang tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP).
Itinalaga bilang bagong Officer-In-Charge ng PNP-Public Information Office si Chief Supt. Wilfredo Franco.
Si Franco ay Director ng PNP Directorate for Community Relations at papalit kay Acting PIO Chief Senior Supt. Bartolome Tobias.
Si Tobias ay inilipat naman sa Liaison Office ng Department of Interior and Local Government (DILG) at magiging Senior Police Assistant ni Interior Secretary Mar Roxas.
Si Franco ay ika-apat na itinalagang PNP-PIO OIC mula nang mangyari ang Mamasapano incident noong Enero.
Pero isang Linggo lang tatagal sa pwesto si Franco.
Epektibo kasi sa June 20, 2015 ay babalik bilang Acting Director ngPIO si Chief Supt. Wilben Mayor, na ngayon ay naka-leave at nagbabakasyon sa Amerika./ Jan Escosio