Sa datos ng Phivolcs unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos alas 12:06 ng madaling araw.
Ang lindol ay naitala sa 86 kilometers East ng Jose Abad Santos na may lalim na 131 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Samantala, alas 7:24 naman ng umaga, niyanig din ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Esperanza sa Agusan Del Sur.
Naganap ang lindol sa 6 kilometers South ng Esperanza.
May lalim na 17 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.
Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES