Dumadaan sa nasabing tulay ang grupo ng 11 katao na kasama sa prusisyon ng patay, nang biglang bumigay ito at mahulog ang mga tao sa Panay River sa Barangay Pangpang Norte.
Katatapos lang dumaan ng mga may bitbit sa kabaong nang maputol ang mga tali ng tulay na sinasabing naging marupok mula nang tamaan ito ng super bagyong Yolanda.
Mapalad namang nasugatan lang ang mga biktima, na nilapatan ng lunas sa Mambusao District Hospital.
MOST READ
LATEST STORIES