Pagpapalawig ng martial law, hindi pa tiyak ng AFP

 

Wala pang balak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na madaliin ang pagdedesisyon kung imumungkahi nila ang pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, susulitin na muna nila ang nalalabing mahigit isang buwan ng martial law para tapusin ang lahat ng mga banta ng terorismo, dahil baka sapat naman na ang panahong ito.

Ani Padilla, oras na maisagawa na nila ang kanilang final assessment, doon na nila pag-iisipan na irekomenda ang pagpapalawig ng martial law kung kakailanganin pa rin.

Una na rin kasing sinabi ni Pangulogn Rodrigo Duterte na nakadepende pa rin ito sa magiging rekomendasyon ng mga pulis at militar.

Matatandaang pinalawig ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao hanggang December 31 ng taong kasalukuyan.

Read more...