Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ang hindi nito pagtayo habang pinatutugtog ang ‘Lupang Hinirang’ sa isang sinehan sa Clark, Pampanga.
Ito ay sa kabila ng dalawang beses na pagsita sa kanya ni Charge D’ Affaires ng Philippine Embassy to Iraq na si Elmer Cato na saktong manonood din sana ng pelikula.
Nakilala ang lalaki na si Bayle Einstein Gonzales, 20 anyos.
Galit na galit na ibinahagi ni Cato sa kanyang Facebook ang insidente at sinabing kumulo nang husto ang kanyang dugo sa naging pambabastos ni Gonzales sa pambansang awit.
Hindi pinalampas ng opisyal ang ginawa ni Cato at ipinaaresto ito sa mga pulis.
Itinatanggi naman ni Gonzales ang mga akusasyon ni Cato.
Samantala, sa paglabag ni Gonzales sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines ay maaari siyang pagmultahinng hindi lalampas sa 20,000 piso at tumagal sa kulungan ng hindi lalampas sa isang taon.
Umani naman ng positibo at negatibong comments mula sa netizens ang post ni Cato.