Sa ilalim ng polisiya, hindi maaring lumabas ng outer lane o ‘yellow lane’ ang mga pampublikong sasakyan o mga bus at ipagbabawal rin na pumasok dito ang mga pribadong sasakyan.
Ayon sa Department of Transportation, layunin ng polisiya na hikayatin ang mga commuters na tangkilin ang mga bus.
Paliwanag ng MMDA, maari lamang pahintulutan ang mga pribadong sasakyan na pumasok sa yellow lane kung ito ay liliko.
Gayunman kinakailangang gawin ito ng sasakyan sa loob ng 50 metro layo bago ang kanto na lilikuan nito.
May mga ‘transition lane’ aniya o mga puting linya na nakapinta sa lansangan bago kanto na maaring magsilbing gabay ng mga lilikong motorista.
Taong 1997 pa ipinatutupad ang “yellow plates on yellow lane” policy na inilabas ng Metro Manila Council.