Ani Dela Rosa, mas kailangan ngayon ng mga mamamayan ang maayos at ligtas na komunidad kaya naman iminungkahi niyang ilaan sa anti-terrorism campaign ang naturang pondo.
Matatandaang naudlot ang pagbibigay ng P1.4 bilyong pondo para sa kampanya laban sa iligal na droga matapos itong ilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kaya naman nagkaroon ng kanya-kanyang suhestyon ang mga senador kung saang alternatibong proyekto na lamang ilalaan ang pondo.
Sa kabilang banda, nais pa rin ni Dela Rosa na maging intact ang naturang pondo sakaling muling ibalik sa PNP ang pagsugpo sa problema sa iligal na droga sa bansa.
Matatandaang nagpahiwatig na ang Pangulo sa posibilidad na ibalik ang drug war sa kapulisan kung lalala ang problema sa droga.