Magnitude 6.4 na lindol, naramdaman sa Pacific Ocean

 

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Pacific Ocean kaninang 8:25 ng gabi.

Batay sa impormasyon mula sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 74 kilometro silangan ng Loyalty Islands, New Caledonia sa New Zealand.

May lalim itong 13 kilometro ayon sa USGS.

Samantala, sa unang ulat ay sinabing magnitude 6.6 ang lindol ngunit sa paglilinaw ng naturang ahensya ay sinabing 6.4 lamang ito.

Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Center, walang inaasahang Pacific-wide tsunami na idudulot ang lindol.

Wala ring nakataas na tsunami threat sa Hawaii.

Read more...