Tamaraws, tinalo ang Blue Eagles sa semi’s ng UAAP

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Tinalo ng Far Eastern University Tamaraws ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa kanilang katatapos lamang na laban para sa semi-finals ng UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament.

Sa iskor na 80-67 pabor sa Tamaraws ay magkakaroon pa ulit ang pagtatapat ang dalawang koponan para sa isang do-or-die game.

Ito ay matapos magkaroon ng twice-to-beat advantage ang Ateneo dahil sa kanilang pagiging number 1 sa Final Four.

Ang naturang laro ng FEU at Ateneo ang magdedetermina kung alin sa dalawang teams ang makakalaban ng De La Salle University Green Archers para sa best-of-three finals.

Gaganapin ang do-or-die game sa Miyerkules, November 20 sa Mall of Asia Arena.

Read more...