Paghahanap sa nawawalang submarine ng Argentina, pinaiigting

 

Pinaiigting ng Arentinian Navy ang paghahanap sa submarine na tatlong araw nang nawawala.

44 na crew members ang laman ng naturang submarine.

Ayon kay Argenitinian Navy spokesperson Enrique Balbi, hinahanap nila ang submarine sa katimugang baybayin ng kanilang bansa na sakop na ng Atlantic ocean.

Ayon pa kay Balbi, maraming rason bakit hindi mahanap ang naturang submarine, kabilang ang communication problem at problema sa power system.

Noong Miyerkules huling nagkaroon ng komunikasyon sa ARA San Juan na dapat sana ay pupunta sa Mar del Plata mula sa Ushuaia.

Nagbigay na ng tulong ang mga bansang Chile, Uruguay, Peru, at Brazil para mahanap ang submarine, maging ang Estados Unidos na nagpadala pa ng isang NASA scientific aircraft at isang Navy plane. Isa namang polar exploration vessel ang ipinadala ng Britain.

Panalangin naman ang ipinabot ni Pope Francis mula sa Vatican.

Read more...