TY FACEBOOK/GOOGLE sa 2019 “ULTRA HI-SPEED” INTERNET

Sa ngayon, anim na “undersea cables” ang ginagamit sa Pilipinas pero lahat ay pag-aari o kasosyo ng PLDT at Globe Telecom. Ibig sabihin, wala tayong pupuntahan kundi ang naturang duopoly na ang serbisyo, ayon kay Chinese billionaire na si Jack Ma, ay “no good”. Bukod sa tayo ang isa sa pinakamabagal 13.41 mbps, tayo rin ang pinakamahal sa $40.96 sa buong mundo. Kahit pa bilyung bilyong piso ng Government tax incentives ang ibinigay sa dalawang telco na ito, wala ring pakiramdam ng “improvement” o kaya’y sulit sa bayad para sa mga internet users.

Pero ngayon, merong napakalaking pagbabago na hulog ng langit. Hindi galing sa Globe o PLDT kundi galing sa Facebook at Google. Pagdating ng 3rd quarter ng 2019, nailatag at umaandar na ang 12,874 kms. na trans-Pacific under sea cable ng Pacific Light Cable Network na magdudulot ng 120 terrabits ng data/second sa pagitan ng Los Angeles, USA at Hongkong.

Magkakasosyo rito ang Facebook, Google at Pacific Light Data Communication na ang layunin ay pabilisin at gawing mas moderno ng internet para sa cloud users at ekonomya ng maraming bansa.

Pero, ito’y hindi dadaan sa karaniwang “Luzon strait” sa pagitan ng Luzon at Taiwan, dahil doon karaniwang napuputol ang mga “undersea cable” katulad noong 2006 Hengchun Earthquake na nakaapekto sa mga transaksyon sa Hongkong at Amerika.

Ang bago at “bypass” na undersea cable na ito ng Facebook at Google mula Los Angeles, USA ay dadaan sa Baler, Aurora, tapos sa 250 km “Luzon bypass infrastructure” na itatayo ng gobyerno hanggang Poro Point, La Union at dederetso naman sa Hongkong.

Bukod sa gastusin para sa “bypass infrastructure” at “landing rights para sa Facebook at Google, magkakaroon ng ng “2,000,000 mbps bandwidth” ang gobyerno. Pwedeng pwede na kung kumpara sa kapasidad ng PLDT at Globe na 2,300,000 mbps.

Ilulunsad ng gobyerno ang SECUREGOVNET sa pangunguna ng DICT,BCDA at PCOO para bumuo ng ultra high speed information highway para sa isang National Broadband plan.

Kung totoo ang pangakong “free public wifi” sa mga public places, parks, plazas, train stations, airports at marami pang iba, sobrang ginhawa ito sa taumbayan. Titindi rin ang online services ng Gobyerno tulad ng mga passports, licenses at iba pang pangangailangan pati na koneksyon ng lahat ng opisina ng gobyerno, ospital, military, pulis at iba pa.

Lalo na kung magtatayo ang gobyerno sa mga lugar, bayan man o lungsod, kung saan masama ang serbisyo ng PLDT at Globe, malaking tulong ito. Sa tindi ng bilis, hindi malayong putaktihin tayo ng mga bagong “internet services’ sa mga lalawigan, tulad ng call centers, medical transcriptions” o kaya’y mga tinatawag na “next wave cities” na tatayuan ng IT-BPM companies.

Maraming taon na tayong naghintay, nagtiis sa Masamang serbisyo ng komunikasyon. Pagdagting ng 2019, iba na ang laban ng mga Pilipino. Isa na tayo sa mga bansa sa buong mundo na aani ng matinding biyaya ng “information technology” hindi lamang dahil ok na ang ating “network readiness” kundi ang tiyak na pagsikat ng “digital ready Filipino workforce”na pinakamagagaling sa buong mundo.

Abangan 2019, mabilis na darating ang 22 months na iyan.

Read more...