PAGASA: Magiging maganda ang panahon ngayong linggo

Inaasahang magiging maganda ang panahon sa papasok na linggo ayon sa PAGASA.

Ito’y kasunod ng paglayo sa bansa ng bagyong Tino.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio, walang inaasahang panibagong bagyo na papasok sa bansa sa susunod na limang araw.

Kahapon, nakalabas na ng bansa ang bagyong Tino, kung saan huling namataan sa layong 275 kilometers west ng Pagasa Island sa Palawan.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA, na umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan sa dulong Hilagang Luzon.

Bunsod nito, posibleng makaranas ng malamig na panahon at mahinang pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera, at maging ang Batanes.

Read more...