Ito’y kahit pa nagpagdala na ng pormal na imbitasyon ng House panel kay Sereno para humarap sa pagdinig.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno, bago pa man lumabas ang nasabing imbitasyon ay nakapagdesisyon na ang chief justice na hindi dumalo sa pagdinig.
May mga tungkulin aniya si Sereno bilang Punong Mahistrado na ayaw niyang maistorbo.
Ani Deinla, pinag-aaralan pa ng kanilang kampo kung ano ang magiging hakbang nila o tugon sa imbitasyon.
Sa ngayon aniya ay hindi pa nila batid kung magbabago pa ng posisyon ni Sereno sa naturang usapin.
Pero tiniyak naman ni Deinla na dadalo sa pagdinig sa Miyerkules ang mga abogado at tagapagsalita ni Sereno.