Pinabulaanan ng dating maintenance provider ng MRT-3 ang pagkakasangkot sa umano’y sabotage plot na nagresulta ng paghihiwalay ng dalawang bagon noong nakaraang linggo.
Hindi bababa sa 140 na pasahero ng MRT ang napilitan na maglakad sa riles papunta sa susunod istasyon matapos maghiwalay ang dalawang tren noong Huwebes.
Naganap ang insidente isang linggo makalipas suspindehin ng Department of Transportation ang maintenance contract ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) sa MRT.
Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, may mga itinuturing na ng persons of interest sa insidente, na posibleng pagtatangkang sirain ang operasyon ng MRT.
Sinabi ni BURI spokesperson Atty. Charles Mercado na wala silang kinalaman sa nangyari.
Iginiit pa ni Mercado na alam na ng publiko na ang gobyerno na ang nagpapatakbo ngayon sa MRT.
Kinuwestyon pa ni Mercado ang nawawalang black box gayung nasa tabi lamang ito ng driver.