Number coding scheme, ipatutupad na sa Cavite sa susunod na taon

Mahigpit nang ipatutupad ang number coding scheme sa ilang kalsada sa Cavite simula sa susunod na taon.

Ito’y bunsod ng lumalalang daloy ng trapiko sa lalawigan.

Ayon kay Gov. Boying Remulla, sakop ng bagong implementing rules and regulations ng number coding ang mga pribadong sasakyan, van at trak, maliban sa mga naka-rehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Hindi naman aniya sakop ng number coding ang motorsiklo, pampublikong sasakyan tulad ng jeep at bus, school bus, at maging ang mga emergency at government vehicles.

Simula January 1, 2018, magigin epektibo ang number coding mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Ipatutupad ang number coding scheme sa mga sumusunod na kalsada:

– Aguinaldo Highway mula Bacoor hanggang Dasmariñas-Silang boundary
– Governor’s Drive mula Carmona hanggang Trece Martires City-Tanza boundary
– Molino-Salawag-Paliparan Road mula Zapote, hanggang Paliparan
– Molino Boulevard mula Aguinaldo Highway hanggang Molino-Salawag-Paliparan Road.

Read more...