Senate Slate ni Alvarez, sa kanya lang, hindi sa PDP-Laban – Koko Pimentel

Iginiit ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na hindi pa pinal at wala pang desisyon ang Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa senate slate ng partido para sa 2019 elections.

Ito ay matapos ianunsyo ni Speaker Pantaleon Alvarez noong Biyernes ang partial list ng mga kandidato ng pagkasenador sa 2019 na kinabibilangan nina Presidential Spokesman Harry Roque at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ani Pimentel, maaaring ikonsidera ang listahan ni Alvarez na kanyang nominees lamang.

Anya, ang pagdedesisyon sa kung sino ang isasama sa opisyal na Senate Slate ay nararapat na pag-usapan ng buong patido kabilang ang chairman nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Personal namang ikonokonsidera ni Pimentel si Sen. JV Ejercito para maging bahagi ng listahan ng mga kandidato sa pagkasenador.

Dagdag pa niya, posible lamang ianunsyo ng PDP-Laban ang kanilang opisyal na listahan isa o dalawang linggo bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Read more...