Pamilya ni Heart Evangelista, nagkaisa para suportahan si Sen. Chiz

 

Mula sa bandera.inquirer.net

All is well that ends well.

Ito ang naging tagpo kanina sa deklarasyon ni Senador Francis Escudero sa Club Filipino sa San Juan matapos ang ginawang deklarasyon para tumakbong Bise Presidente.

Dumalo kanina ang asawa ni Escudero na si Heart Evangelista, ang biyenan ni Escudero na si Cecille Ongpauco at mga sister-in-law na sina Camille at Mitch.

Ayon kay Heart, hindi na nakadalo sa okasyon kanina ang kanyang ama dahil nakaratay ito sa ospital.

Pero ayon kay Heart, inabangan ng kanyang ama sa tv ang proklamasyon ni Escudero.

Sinabi pa ni Heart na 100% ang suporta ng pamilya Ongpauco sa kandidatura ni Escudero.

Matatandaang hindi nakasundo ni Escudero ang mga magulang ni Heart at katunayan hindi dumalo ang mga ito sa kanilang kasal noong Pebrero.

 

 

Read more...