US citizen na Pinoy, di pinayagang makaupo bilang alkalde

 

Inquirer file photo

Hindi pinayagan ng Korte Suprema na makaupo bilang alkalde ang isang Pilipinong US citizen na bumalik dito sa bansa at nag-renounce ng kaniyang American citizenship upang magbalik muli sa pagiging Pilipino.

Sa 21-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Mariano del Castillo, 8 laban sa 4 na mahistrado ang nagdiskuwalipika bilang alkalde ng Kauswagan, Lanao del Norte kay Rommel Arnado.

Sa desisyon na inilabas ng Supreme Court en banc, tanging mga natural-born na Pilipino lamang na hindi tumalikod sa kaniyang citizenship ang maaaring kumandidato at mahalal sa tungkulin.

Si Arnado ay Pilipino na naging US citizen noong July 10, 2008. Gayunman, April 3, 2009 ay nagrenounce ito ng kaniyang US citizenship at bumalik sa Pilipinas

Bunsod nito, pinayagan ng mga mahistrado ng Mataas na Tribunal na maupo bilang alkalde ng Kauswagan Lanao del Norte ang kanyang kalaban na si Florante Capitan.

Pinaliwanag din ng SC na walang naganap na pag-abuso sa tungkulin ang Comelec en banc nang pagtibayin ang Resolution ng Comelec 2nd Division na nagdidiskuwalipika kay Arnado sa pagtakbo sa nakalipas na May 13, 2013 election.

Nabatid rin na ang patuloy na paggamit ni Arnado ng kanyang US passport ay nagpapatunay na hindi niya ganap na tinatalikuran ang pagiging US citizen.

 

 

Read more...