Umaasa si dating Board of Inquiry Chief, Police Director Benjamin Magalong na sarado na ang usapin kung sino ang nakapatay sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir matapos na maglabas ng ebidensya si Pangulong Benigno Aquino III kanina sa kayang press conference sa Malacañang.
Naniniwala si Magalong sa naging pahayag ng Pangulo at pinagtibay lamang nito ang matagumpay na operation ng Special Action Force na Oplan Exodus kung saan napatay si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Naninindigan naman si Magalong na tapat ang inilabas nilang resulta sa pagkakasawi ng SAF44 sa Mamasapano.
Ipinagmamalaki ni Magalong ang katapangan at kabayanihan ng SAF lalo na ang Galant 44 at mga survivor, na matinding sakripisyo ang ipinamalas para lamang masigurong matitigil na ang paghahasik ng terorismo ni Marwan.