Miss India, itinanghal na Miss World 2017

Miss World Twitter

Pinataob ng isang medical student mula sa India na si Manushi Chhillar ang mahigit 100 kandidata sa katatapos lamang na Miss World 2017.

Naganap ang pageant coronation sa Sanya China.

Gulat na gulat ang 20-anyos na beauty queen matapos ianunsyo na siya ang itinanghal na bagong Miss World.

Nasungkit muli ng India ang korona mula sa prestihiyosong pageant matapos ang 17 taon.

Ipinasa ni Miss World 2016 Stephanie Del Valle kay Manushi ang korona.

Itinanghal naman na 1st runner up ang kandidata ng Mexico na si Andrea Maza.

Habang nasa ikatlong pwesto naman si Stephanie Hill ng England.

Samantala, bigo namang makapasok sa Top 15 ng pageant ang kandidata ng Pilipinas na si Laura Lehmann.

Read more...