Pagpapalawig sa Martial Law, ibabatay sa rekomendasyon ng PNP at AFP – Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang desisyon sa posibilidad ng pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao ay ibabatay niya sa rekomendasyon ng militar at pulisya.

Ito ay matapos ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaari pa ngang palawigin ang batas militar dahil na rin sa patuloy na operasyon ng mga awtoridad laban sa iba pang local terrorist groups.

Ayon sa Pangulo, lubha siyang dedepende sa kung anong sasabihin ng AFP at ng Philippine National Police (PNP) dahil kapag may kaguluhan ay sila naman ang rumeresponde.

Sumasang-ayon din siya sa naging assessment ng militar na kailangan pang ipagpatuloy ang paglaban sa iba pang terror threats sa Mindanao.

Samantala, matapos ang kanyang pagbisita sa Marawi City kahapon, suportado naman ni Sen. JV Ejercito ang martial law extension sa Mindanao.

Ani Ejercito, makakatulong ang pagpapatuloy ng batas militar upang malinis ang buong Mindanao sa mga loose firearms.

Mahalaga anya ito upang maging business-friendly ang rehiyon.

Read more...