Arestado ang dalawang lalaking sangkot umano sa serye ng pagnanakaw sa Monumento, Caloocan.
Kinilala ang mga suspek na sina Angelito Valida, apatnaput tatlong taong gulang, at Renato Lakandula, apatnaput dalawang taong gulang.
Ayon sa mga otoridad, mismong ang nabiktima ng dalawa ang nagreport sa kanila tungkol sa kinaroroonan ng mga suspek.
Narekober mula sa mga ito ang kanilang ginagamit na getaway vehicle na isang motor, isang kalibre cuarenta y singkong baril na may lamang walong bala, isang patalim, apat na cellphone, at limang wala nang lamang mga wallet.
P15,000 cash ang nakuha mula sa biktima nang pagnakawan siya ng mga suspek sa panulukan ng Sevilla Street at 3rd Avenue, habang P3,000 cash naman ang tinangay ng mga ito sa isa pang biktima sa 8th Avenue.
Mahaharap sa magkapatong na kasong illegal possession of firearms and deadly weapons at robbery through intimidation sina Valida at Lakandula.