Kinilala ang biktimang si Senior Police Officer 2 Patrick Palisoc, limampung taong gulang at miyembro ng Police Security and Protection Group.
Batay sa imbestigasyon ng Pasay City Police, nakikipag-inuman si Palisoc sa kanyang mga kaibigan sa labas ng kanyang bahay nang dumating ang gunman sakay ng kanyang motorsiklo.
Nilapitan umano ng suspek si Palisoc at ilang beses binaril nang malapitan bago tumakas gamit pa rin ang kanyang motor.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril at pinag-aaralan nila ang isang CCTV camera footage malapit sa pinangyarihan ng insidente para makilala ang salarin sa pamamaslang.
Samantala, sa lungsod naman ng Mandaluyong ay binaril ang isang wala pang pagkakakilanlan na lalaki.
Ayon kay Eastern Police District Director, Chief Superintendent Romulo Sapitula, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Tanglaw street nang makasalubong niya ang salarin at walang habas itong pinagbabaril.
Matapos ang insidente ay tumakbo papalayo ang suspek.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek para magbigay daan sa posibleng dahilan ng pamamaril.