Ipinamahagi ni PDEA officer Cleveland Villamor, ang mga certificate sa 28 barangay na pumasa sa pamantayan ng kagawaran at nagsasabing walang illegal drug trade, user, at pusher sa lugar.
Una nang idineklarang drug free ang 82 barangay sa lungsod.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, ngayong drug-free na ang kanilang lungsod, ang susunod naman nilang kailangang gawin ay panatilihin ang naturang estado.
Aniya, simula nang siya ay maluklok sa pwesto ay marami ang sumukong drug suspects. Kabilang dito ang nasa 1,000 na sinabing natatakot sila sa kanyang anti-drug campaign, lalo na’t kilala siyang kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa huling city address ni Gomez, sinabi niyang bumaba ang bilang ng krimen nang maging alkalde siya ng lungsod. Aniya, tatlong murder cases at walong pagnanakaw lamang ang naitala sa kanyang panunungkulan.
Sa ngayon, pawang mga lalawigan pa lamang ng Batanes at Romblon ang idineklarang drug-free provinces ng PDEA.