P125K halaga ng shabu, nasabat ng PDEA

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P125,000 halaga ng shabu na may bigat na 25 gramo sa ikinasang buy-bust operation sa Maynila.

Arestado rin sa naturang operasyon ang dalawang suspek na kinilalang sina Raizah Benito, dalawamput apat na taong gulang at Aira Topaan, dalawampung taong gulang.

Kapwa nasa drug watchlist ng pamahalaan sina Benito at Topaan.

Sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Read more...