Isang magnitude 6.9 na lindol ang yumanig sa isang tagong bahagi ng Tibet madaling araw ng Sabado.
Batay sa impormasyong inilabas ng China Earthquake Administration, naitala ang sentro ng lindol sa Nyingchi province.
Ilang mga kabahayan ang nasira ngunit maswerte namang walang nasugatan o namatay sa naturang lindol.
Ayon sa isang residente sa lugar, umabot ng 30 segundo ang payanig at matapos ang lindol ay wala naman siyang nakitang mga nagsitakbuhan palabas ng kanilang bahay.
Aniya, pagkatapos ng lindol ay agad na bumalik sa normal ang kanilang lagay.
MOST READ
LATEST STORIES