La Salle, pasok sa UAAP Finals

Pinataob ng De La Salle University Green Archers ang Adamson University Soaring Falcons sa kanilang laro para sa UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament.

Sa iskor na 82-75 ay napatalsik ng defending champion na La Salle ang Adamson mula sa finals bid.

Ayon sa head coach ng Green Archers na si Aldin Ayo, focused ang koponan sa kanilang laban.

Maganda at malakas ang ipinakita ng Soaring Falcons sa unang bahagi ng laro, ngunit unti-unti itong nabawasan habang tumatagal ang laban.

Naibalik naman ng koponan ang magandang performance, ngunit huli na ito dahil malayo na ang lamang ng Green Archers sa kanila.

Pinangunahan ni Ben Mbala ang La Salle matapos nitong magbigay ng 27 puntos. Sinundan siya ni Santi Santillan na nakapagtala naman ng 15 puntos at walong rebounds.

Para naman sa Adamson, 17 puntos ang ibinigay ni Jerrick Ahanmisi na sinundan ni Robbie Manalang na may 16 puntos.

Sa ngayon ay hinintay na lamang ng La Salle na may twice-to-beat advantage ang magiging resulta ng laro sa pagitan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles at Far Eastern University Tamaraws.

Read more...