Negros Oriental, niyanig ng Magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Negros Oriental ngayong gabi.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng pagyanig 13 kilometro mula sa Kanluran ng bayan ng Guihulngan.

May lalim ang pagyanig na 11 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Internsity III sa Guihulngan; Intensity II sa Ayungon, Negros Oriental habang Intensity I naman La Castellana at Moises Padilla, Negros Occidental.

Samantala, hindi naman inaasahan ang aftershocks at pagkasira sa mga ari-arian.

Read more...