Presyo ng petrolyo may rollback sa susunod na linggo

Inquirer photo

Makaraan ang limang sunud-sunod na oil price hike sa susunod na linggo ay inaasahang magpapatupad naman ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Sa impormasyon mula sa Department of Energy, aabot sa P0.60 kada litro ang tapyas sa presyo ng gasolina, sa diesel ay P0.20  bawat litro samantalang P0.40 naman sa presyo ng gaas o kerosene.

Sa nakalipas na limang linggo ay umabot na sa P3.00 ang itinaas ng presyo ng gasolina, ang diesel ay P1.75 at P2.00 naman sa gaas.

Sinabi ng DOE sa kanilang advisory na nananatiling malikot ang presyo ng petrolyo sa world market na siyang nakaka-apekto sa lokal na halaga nito sa bansa.

Inaasahan na sa Martes ng umaga ipatutupad ang nasabing rollback sa halaga ng mga oil products.

Read more...