Ihahayag na ng Department of Justice (DOJ) sa Enero ng susunod na taon ang magiging bagong Director ng Bureau of Corrections (Bucor).
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, may inirekomenda na sila sa nasabing posisyon.
Nasa Malacañang na aniya ang papel nito at kasalukuyang isinasa-ilalim sa pag-aaral.
Posible aniyang magkaroon na ng bagong hepe ang Bucor bago matapos ang Enero ng susunod na taon.
Tiniyak rin ng opisyal na hindi na mauulit ang mga naging insidente sa nakalipas na panahon kung saan ang mga iligal na droga ay nagmumula mismo sa loob ng Bilibid.
Matatandaang nagbitiw bilang hepe ng bucor si Director Benjamin delos Santos sa gitna ng mga alegasyon ng pagbabalik ng drug trade sa New Bilibid Prisons.
MOST READ
LATEST STORIES