DOE naglatag ng dagdag na seguridad para sa mga LPG refilling areas

Inquirer photo

Nakabuo na ang Department of Energy ng code of safety practices para sa mga refilling stations ng Liquified Petroleum Gas.

Kasunod ito ng mga aksidente sa mga planta ng LPG kung saan ilan ay naging sanhi ng pagkasawi pa ng buhay.

Ang nasabing guideline ay binalangkas aa pamamagitan ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) kasama ang mga oil industry stakeholders.

Layon nito na bigyan ng igiya ang mga opisyal, personnel at staff sa tamang at ligtas na proseso ng pagre-refill ng tangke ng LPG sa mga planta.

Una nang inatasan ni Energy Sec. Al Cusi ang ahensya nito na tiyaking naipapatupad ang safety first para maiwasan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng LPG.

Bahagi ng inilabas na guideline ang mga paraaan para sa ligtas na operasyon ng mga trak ng LPG, refilling sa mga planta at tamang paggamit nito sa bahay.

Read more...