Mga residente malapit sa Mt. Kanlaon inihanda sa posibleng pagsabog ng bulkan

Philvocs

Kinansela kahapon ang klase sa buong bayan ng La Castellana, Negros Occidental makaraang umalingasaw ang amoy ng asupre sa paligid ng Mt. Kanlaon na isang aktibong bulkan.

Sinabi ni La Castellana Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimutan na pinaghahandaan na nila ang muling pagsabog ng nasabing bulkan at isa ang masangsang na amoy ng asupre ang palatandaan dito.

Ayon pa sa opisyal, ipinarating na nila sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang kanilang obserbasyon pero wala pang reaksyon ang mga eksperto.

Bagaman bumaba ang seismic activity ng nasabing bulkan, hindi umano dapat maging kampante lalo na ang mga nakatira malapit sa danger zone ayon pa kay Mangilimutan.

Noong nakaraang Huwebes ay nakapagtala ang Philvocs ng 277 malalim na volcanic quake.

Ipinagbawal na rin nila ang pagpasok sa four-kilometer radius na permanent danger zone.

Read more...