Binomba ng militar ang pinagtataguan ng grupo ng mga ISIS supporter na nasa pagitan ng Maguindanao at Cotabato.
Tinatayang nasa dalawang libong mga residente ang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa ilang araw na sagupaan kontra Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).
Sinabi ni Captain Nap Alcarioto, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na ang airstrike ay bilang suporta sa “ground attacks” sa kuta ng BIFF na pinamumunuan ng isang Abu Toraypie.
Si Toraypie ang sinasabing ka-alyado ng Maute group na tumakas mula sa Marawi City.
Nais ng militar na mapigilan na maka-regroup ang grupo ni Toraypie.
Nabatid na binomba din ng puwersa ng pamahalaan ang isa pang kuta ng BIFF sa katabing bayan.
MOST READ
LATEST STORIES