Matatandaang noong Huwebes, kumalas ang dulong bagon ng tren ng MRT at naiwan sa riles sa gitna ng mga istasyon ng Ayala at Buendia.
Dahil dito napilitan ang mga pasaherong naiwan sa bagon na mag-lakad na lamang papunta sa pinakamalapit na istasyon.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, humingi na sila ng tulong sa NBI para magsagawa ng imbestigasyon.
Samantala, sa kabila ng mga panawagan na itigil muna ang operasyon ng MRT para makumpuni ang lahat ng mga sira, tiniyak ng operations director nito na si Michael Capati na ligtas pa ring sakyan ang mga tren nito.