Ito’y kasunod ng pahayag ng ahensya na sarado na ang motorcycle-based ride service na Angkas.
Ayon kay LTFRB Board Member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, ang kanilang tanggapan ay makikipagtulungan sa Department of Labor and Employment o DOLE para mabigyan ng trabaho ang mga apektadong tsuper ng Angkas maging ng mga habal-habal.
Imbitado rin ang mga Angkas at habal-habal drivers sa isang dayalogo sa tanggapan ng LTFRB sa December 12, alas-tres ng hapon.
Sa December 13 naman, magkakaroon ng isang buong araw na jobs fair sa LTFRB ground floor, na sasabayan ng isang orientation ukol sa livelihood projects para sa mga drayber ng Angkas at habal-habal.
Kamakailan ay nagkaroon ng operasyon ang LTFRB, MMDA at PNP-HPG laban sa Angkas motorbikers, kung saan napakaraming nahuli.
Katwiran ng LTFRB, nais nilang ipahinto ang Angkas at kahalintulad na serbisyo bunsod ng kaso na pagkamatay ng isang pasahero.