Pia Wurtzbach, isa sa Miss Universe 2017 judges

 

Balik Miss Universe si Pia Wurtzbach, bilang isa sa mga kumpirmadong hurado sa nalalapit na Miss Universe 2017.

Sa social media account ng Miss Universe organization, inanunsyo nito ang listahan ng mga hurado sa prestigious pageant.

Bukod kay Queen Pia, kabilang pa sa telecast judges ay sina TV personality Ross Mathews, Venezuelan-American YouTube star Lele Pons, makeup artist and TV host Jay Manuel, host and presenter Megan Olivi at Miss Universe 1998 Wendy Fitzwilliam.

Si Steve Harvey pa rin ang magho-host, kasama si Ahsley Graham.

Ang performers naman sa coronation night ay sina Fergie at Rachel Platten.

Ang Miss Universe para sa taong ito ay gaganapin sa Las Vegas, Nevada sa November 26.

Noong nakalipas na taon, ang Pilipinas ang naghost ng international beauty pageant.

At bagama’t naipasa na ni Queen Pia ang korona, naging aktibo pa rin siya sa mga aktibidad na pinangungunahan ng Miss Universe.

 

 

Read more...